Crime

Dating beauty queen nakitang hubad, nakatali; lumutang sa dagat

481 Views

WALANG saplot sa katawan nang matagpuan ang bangkay ng isang dating beauty queen sa karagatang sakop ng Barangay 99-Diit, Tacloban City, noong Lunes.

Ayon sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 8, nasa state of decomposition na ang katawan ng biktimang si Akini Arradaza, dating Miss Matag-ob, nang matagpuan ng isang mangingisda na lumulutang sa dagat.

Nakatali ang leeg, kamay at paa ng biktima habang ang kanyang mukha ay binalutan ng itim na tela at duct tape.

Nauna nang iniulat na dinukot ng hindi pa nakikilalang suspek ang biktima noong July 31 sa tapat ng kanilang bahay sa Barangay Valencia, Ormoc City.

Kinaladkad umano ang biktima ng tatlong lalaki at pwersahang isinakay sa naghihintay na itim na kotse na humarurot sa direksyon patungong Kananga Leyte.

Ang bangkay ng biktima ay kinilala ng kanyang mga kaanak dahil sa tattoo nito sa katawan.

Tiniyak naman ni PRO 8 Director PBrigadier General Jay Cumigad na gagawin nila ang lahat para mabigyan ng katarungan ang sinapit ng biktima.