Patay Ang biktima. GIL AMAN

Dating drug suspek nakaalitan, binaril ng ex-convict, tepok

Gil Aman May 13, 2026
152 Views

PATAY ang isang lalaking dating may kaso ng iligal drugs matapos barilin umano ng ex-convict na suspek dahil sa alitan na naganap sa Purok 5 Brgy. San Juan, San Pablo City, Laguna, Martes ng gabi.

Naisugod pa sa Laguna District Hospital ang biktima na nakilalang si alyas Carlito, 40, kung saan ito dineklarang dead on arrival ng attending physician na si Dra. Dolarey Selvi.

Nagtamo ang biktima ng malubhang tama sa dibdib at mukha mula sa bala ng 9mm na baril.

Ang suspek ay nakatakas.

Ayon sa imbestigasyong isinagawa ng mga tauhan ni OIC P/LT. Col. Mederic Villarete, ang pamamaril ay naganap dakong alas 8:00 ng gabi malapit sa isang tindahan.

Base sa pahayag ng ilang saksi, ang biktima ay bumili ng sofdrink sa tindahan kung saa nandun ang suspek.

Nagkaroon ng kumprontasyon sa pagitan ng dalawa at nagpambuno hanggang sa malapitang binaril umano ng suspek ang biktima sa dibdib at mukha.

Ayon sa pulisya, ang suspek ay may kaso na may kinalaman sa iligal na droga nakulong ng ilang taon sa BJMP.