Heart

Dating make-up artist ni Heart: Walang ninakaw si Pia!

Vinia Vivar Oct 14, 2024
48 Views

Last year pa nagkaroon ng falling out si Heart Evangelista at ang kanyang glam team pero up to now ay hindi pa rin matapos-tapos ang isyu’t lagi pa ring nababanggit ng netizens.

Ang nagpalaki pa sa issue ay ang paglipat ng glam team ni Heart kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Since then nga ay nagkaroon na ng silent war at rivalry sina Pia at Heart.

Ang latest development ay ang bagong pahayag ng dating make-up artist ni Heart na si Justin Louise Soriano sa Instagram.

Sinagot ng nasabing make-up artist ang akusasyon ng isang netizen sa kanya.

“Dont you feel guilty almost everything happening to you right now you got them through cheating? You got someone’s contacts and connections. You didnt work for them.

This is not the Pia we know,” ang saad ng netizen.

Matatandaang naikuwento na rin ni Heart before na may nagnakaw ng kanyang contacts para lang magkaroon ng koneksyon sa mga fashion show at hula nga ng netizens ay si Pia ito.

Bilang sagot sa akusasyon ng netizen ay nilinaw ni Justin na walang ninakaw na contacts si Pia.

“Pia never ever stole any contacts or whatever. Lalo na kami. We are only a glam team and hindi nga namin kilala ar close mga PR. Also PIA IS PIA!” pagtatanggol ni Justin sa kliyente.

“She has walked the runway in new york when she was miss universe. She already attended a lot of fashion shows in new york way back 2015! So that cheating thing is actually invented so people can draw hate towards pia.

“Hayy buti nalang when brands hear or read this things all the more they show love to Pia. The universe talaga is so powerful. u throw hate? The hate goes back to you! So sa dami na achieve ni @piawurtzbach cheating and stealing?” patuloy pa nito.

“I mean jeremy and Pia is actually friends with imran. Pia is also meeting natalia vodianova (wife of dior ceo) whenever she’s in paris. So why steal contacts when she is well connected naman,” depensa pa niya.

Sinabi rin ng make-up artist na mababaw ang mga nag-iisip na ninakaw ni Pia ang contacts ni Heart.

“Because its been more than a year na and ganyan pa sila kababaw. So sad for them,” aniya.

“And knowing how it works in pr world…even if you know the contact person. Hq will be the one to approve. Hindi sila basta basta. So if sa 100 na tao lahat sila may contact lahat ba un pasok sa finals? Hindi dba kasi kung oo concert fashion show ang nais,” pahayag pa niya.

Sa huli ay tila may pagbabanta pa si Justin na baka ma-karma raw ang family ng nag-aakusa kay Pia without naming names.

“Honestly dedma ako sa bashing kasi part ng life yan. Hopefully though hindi karmahin family nila. U know naman how the universe works dba,” sey niya.

Kim flinex biking with Paulo

Flinex ni Kim Chiu sa social media accounts ang bagong pink bike at ipinakita niya rin ang kanyang pagba-bike with guess who? None other than Paulo Avelino.

Makikita nga sa video na magkatabing nagba-bike ang KimPau gamit ang kani-kanilang bisikleta.

“#GRWM 50kms ride!

“First ride out with my pink bike!!! Finally after so long of wanting a pink bike, here it is!!!! Yahooooo!!!!! Out with the old, In with the new!!!” simula ng caption ni Kimmy.

Kasunod nito ay pinasalamatan ng aktres ang kanyang mga coach at isa na rito si Paulo.

“Thanks coach @siraoulo best of luck sa race this weekend and coach @anton7reales for the great ride out, cge na nga thanks also coach @pauavelino,” aniya.

“Till the next ride!!!! Where to next???#KIMadvenCHIUre,” pagtatapos pa ng Chinita Princess.

Siyempre, kilig na kilig naman ang KimPau fans at looking forward daw sila sa mas marami pang adventures together ng kanilang mga idolo.