Calendar
Dating Speaker Romualdez, Tingog pinalawig relief operations sa Baybay City, Silago
PINANGUNAHAN ng mga opisina ng dating Speaker at ni Tingog Party-list Rep. Jude Acidre nitong Martes ang pinalawak na relief efforts para sa mga pamilya sa Baybay City sa Leyte at Silago, Southern Leyte ― dalawa sa mga lugar na pinakamatinding tinamaan ng Bagyong Tino na nanalasa sa Eastern Visayas.
Ayon kay Acidre, iniutos ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagpapalawak ng relief operations matapos iulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na ang Baybay City at Silago ay nakaranas ng matinding pinsala mula sa malakas na hangin at pag-ulan.
Sinabi ni Romualdez na agad nilang isinama ang mga lugar na ito sa pamamahagi ng food assistance.
“The people of Baybay and Silago have always shown resilience in the face of calamities. We want to make sure they get the immediate support they need to recover and rebuild after the storm,” ani Romualdez.
Ayon kay Acidre, may kabuuang 3,750 kilo ng bigas, 30 kahon ng noodles, 10 kahon ng biskwit, 10 kahon ng kape, 20 kahon ng bottled water at 30 kahon ng de-lata ang ipinadala sa Baybay City.
Samantala, sinabi niya na nakatanggap ang Silago ng 2,500 kilo ng bigas, 20 kahon ng noodles, 10 kahon ng biskwit, 10 kahon ng kape, 20 kahon ng bottled water at 20 kahon ng de-lata.
“These relief goods are not just supplies ― they represent our commitment to be there for every family affected by the typhoon,” ani Acidre. “We want our kababayans to know that they are not alone in this recovery.”
Dagdag pa ni Acidre, patuloy ang koordinasyon ng Tingog party-list, katuwang si Romualdez at ang local government units, para sa susunod na yugto ng tulong.
“Our priority is to reach the farthest communities and make sure help arrives where it is most needed,” aniya.
Nagpahayag ng pasasalamat ang House leader mula sa Tingog sa mga volunteer at lokal na opisyal na tumulong sa pag-repack at pamamahagi ng goods. Aniya, ito’y bahagi ng patuloy na pangako ng Tingog na paglingkuran ang mga komunidad sa Eastern Visayas na apektado ng kalamidad.
Noong Lunes ng gabi, inanunsyo ni Romualdez na ang Tingog Party-list at kanyang opisina ay nag-preposition ng bigas at mahahalagang relief goods sa Tacloban City at pitong bayan sa Leyte, upang matiyak ang agarang suporta sa mga pamilyang maaapektuhan ng Bagyong Tino.
Sinabi ni Romualdez na naghatid ang Tingog personnel at volunteers ng unang batch ng supplies sa Palo, Tanauan, Tolosa, Sta. Fe, Alang-alang, San Miguel at Babatngon bilang bahagi ng kanilang preparedness efforts.
Binigyang-diin niya na “preparedness remains a top priority to protect vulnerable communities, especially in coastal and low-lying barangays.”
Ayon sa Tingog, bawat bayan ay makatatanggap ng noodles, sardinas, biskwit, kape, Energen at bigas, para sa Palo, Tanauan, Alang-alang, Tolosa, Sta. Fe, San Miguel at Babatngon.
Bahagi ito ng mas malawak na inisyatiba sa kahandaan, kung saan may kabuuang 15,000 kilo ng bigas ang nakahanda para sa agarang deployment kung lalala ang sitwasyon.
Kasama rin sa nakahandang supplies ang 110 kahon ng noodles, 80 kahon ng sardinas, 20 kahon ng Energen, 25 kahon ng biskwit at 80 kahon ng kape.
Namahagi rin ang team ng mainit na pagkain sa evacuees na dumating sa iba’t ibang evacuation centers sa Tacloban City noong Lunes ng hapon, bilang bahagi ng patuloy na relief at readiness operations.
Layunin ng pamamahagi ng pagkain na magbigay ng kaginhawaan at sustansya sa mga pamilyang pansamantalang nanunuluyan dahil sa masamang panahon, ayon sa Tingog.

