Belmonte ipinag-utos na buwagin Task Force Disiplina
Oct 13, 2026
SOTTO LIGTAS SA CONTEMPT SA DESISYON NI LEONEN
Oct 13, 2026
Calendar
Provincial
Pulis pinuri sa pagtanggal ng bato sa kalsada upang walang maaksidente
Christian Supnad
Nov 4, 2025
648
Views
STO DOMINGO, Ilcoos Sur– Pinupuri ng Philippine National Police (PNP) ang pagkilos ni Pat. Romel Geneta ng Sto. Domingo police station nang alisin ang nagkalat na mga bato sa kalsada upang maiwasan ang aksidente.
Napansin ni Geneta ang mga batong nahulog mula sa isang dump truck at naiwan sa gitna ng daan.
Hindi na naghintay ng utos si Geneta at nilinis ang kalsada upang masiguro ang kaligtasan ng mga motorista.
“Ito ang klaseng serbisyo-pulis na gusto nating itaguyod. ’Yung kusang kumikilos dahil may malasakit, kahit walang nakatingin,” sabi ng PNP chief.
Hinikayat ng PNP ang lahat ng pulis na gayahin ang ganitong malasakit.
Crime incidents sa CL bumaba ng 14.6%
Oct 12, 2026

