Dating TV host nakisawsaw sa Andi-Philmar isyu

Vinia Vivar Feb 9, 2025
15 Views

Sumawsaw na naman ang dating TV host at ngayon ay businesswoman nang si RR Enriquez sa showbiz issue. This time, may comment siya sa problemang namamagitan sa magkarelasyong Andi Eigenmann at Philmar Alipayo.

In fairness, ipinakita niya ang screenshots ng messages sa kanya ng netizens na nagre-request na sumawsaw siya sa isyu.

Kaya naman pinagbigyan niya ang mga ito at nag-post ng kanyang opinyon sa Instagram.

“Having a girl bestfriend or a guy bestfriend bago ka pumasok sa isang relationship is acceptable for me. Especially if naging magkaibigan na sila nung wala pa ako sa buhay ng partner ko,” simula ng dating co-host ni Willie Revillame.

“But being in a relationship, you should know your boundaries and limitations dun sa girl bestfriend or guy bestfriend mo. RESPECT ang tawag jan para sa inyong mga partners…” patuloy niya.

Kasunod nito ay kinondena niya si Philmar sa pagpapalagay nito ng couple tattoo with Andi’s best friend.

“Having the same tattoo together is very disturbing and disrespectful! C’mmon!! Where’s your commonsense Philmar. Ok lang sana if ginawa mo yan nung wala pa sa buhay mo si Andi. Pero yung ngayon mo sya gagawin with your girl bestfriend?? Ohh Emm Gee!! Nasaan ang utak mo?” litanya ni RR kay Philmar.

Pagtatanggol pa niya kay Andi, “I think and I feel like Andi is not a jealous type of a woman coz I saw some of their pictures online na nakakasama nila yung girl bestfriend ni Philmar. Siguro may nakita at na feel na si Andi na “Something is off” kaya sumabog si Andi and nagpost ng cryptic message.”

May mensahe rin siya sa best friend ni Andi na diumano’y trumaydor sa aktres.

“And to the girl… Girl, babae ka din impossible na hindi mo alam ang mapi feel ni Andi having the same tattoo together…” ani RR.

“Pero feeling ko dahil foreigner si Girl iba ang culture nila kaya iba sya mag isip. Baka for her the tattoo is just a symbol of their friendship kaya “little bro” pa nga ang sinabi nya sa post nya,” pag-analyze pa ni RR.

Bilang pagtatapos ay idiniid niya na maling-mali si Phimar at ang babae sa ginawa ng mga ito.

“But again maling mali for me ang ginawa nung Philmar and nung girl,” aniya.