Calendar
Davao rumesbak sa Negros
PINUTOL ng Davao Occidental ang kanilang two-game losing skid matapos maungusan ang Negros, 67-64, sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season sa Bren Z. Guiao Convention Center sa San Fernando, Pampanga.
Nagsanib pwersa sina Art Dela Cruz, Kelly Nabong, Kenneth Ighalo at Biboy Enguio para pangunahan ang Tigers ni coach Manu Inigo sa 9-4 win-loss record sa round-robin elimination phase ng 29-team tournament, na itinataguyod ni Sen. Manny Pacquiao.
Nagtala si Dela Cruz ng 12 points, five rebounds at two assists, kasunod si Nabong na may nine points at nine rebounds at Ighalo at Enguio na may tig-eight points bawat isa.
Nagpasikat din si Jun Manzo sa kanyang drive, na nagbigay sa Tigers ng kalamangan at dalawang free throws sa huling 19.5 seconds para tiyakin ang panalo.
Bumagsak ang Negros sa 4-10 record matapos ang kanilang ika-limang sunod na kabiguan, sa kabila ng 27 points, five rebounds, four assists at four steals ni Renz Palma at 11 points at 14 rebounds ni new recruit Buenaventura Raflores Jr.
Magpapatuloy ang aksyon sa MPBL sa gagawingpagdayo sa Villar Coliseum sa Las Pinas, na kung saan magtutuos ang South Cotabato at Mindoro simula 4 p.m., Batangas at Caloocan sa 6 p.m., at loilo at Manila sa 8 p.m.
The scores
Davao (67) — Dela Cruz 12, Nabong 9, Ighalo 8, Manzo 8, Enguio 8, Lojera 7, Bayla 5, Lalata 2, Tumalip 2, Custodio 2, Arana 2, Andrada 2, Campo 0, Salubre 0, Koga 0.
Negros (64) – Palma 27, Raflores 11, Una 8, Gabriel 6, Cani 4, Cruz 4, Longa 2, Atabay 2, Geolingo 0, Lorenzo 0, Formento 0, Alcaide 0, Ramos 0, Capobres 0, Peralta 0.
Quarterscores: 16-18, 32-32, 52-48, 67-64.