Calendar
Dayuhan ‘di na nagbayad ng kinain nanakit pa ng parak, hinuli
ARESTADO ang isang Danish national na nanakit ng pulis na miyembro Aviation Security Group (AVSEGROUP) noong Miyerkules sa NAIA Terminal 3 habang inaaresto siya dahil sa hindi pagbabayad ng kinain sa fast food.
Naunang kinompronta ng store staff at manager ng food stall ang dayuhan matapos tumangging magbayad sa inorder na pagkain at mag-eskandalo pa.
Sa halip na kumalma, lalo pang nagwala ang dayuhan kaya’t humingi na ng tulong ang mga security personnel sa mga tauhan ng AVSEGROUP.
Nang komprontahin ang dayunan, lalong naging bayolente at ilang ulit na pinaghahampas ang isang pulis ng AVSEGROUP na nagtamo ng mga sugat kaya’t pinagtulungan na siyang dakpin ng mga awtoridad.
“We at the AVSEGROUP remain committed to maintaining order and ensuring the safety of passengers, personnel, and concessionaires on the airport premises,” pahayag ni AVSEGROUP Director P/BGen. Dionisio Bartolome Jr.

