NBI

Asawa, anak ng ex-congressman kinasuhan sa paglabag sa Anti-Trafficking Act

Jon-jon Reyes Apr 24, 2026
26 Views

KINASUHAN ang asawa at anak ng dating congressman dahil sa paglabag sa Anti-Trafficking in Person Act kaugnay ng raid sa Pasig noong Abril 21.

Kinumpirma ni NBI Director Atty. Melvin Matibag na kabilang sa kaso sina alyas Rose at Gabriel matapos ang pagsalakay sa nightclub sa Chicago Cliff Point Square, CW Home Depot compound, Julia Vargas Avenue, Brgy. Ugong, Pasig City.

Nasagip ang 54 kababaihang biktima na nagsumbong na ginagawa silang “customer care assistants” para sa sexual exploitation kapalit ng mula P10,000 hanggang P20,000.

Napag alaman na si alyas ay chairperson ng isang korporasyon habang ang isa nakalista bilang treasurer na ngayo’y parehong at large.

Nangyari umano ang exploitation sa mga kuwarto ng isang hotel na pagmamay-ari umano ng kumpanyang pinamamahalaan ng mag-ina.

Natuklasan din ng NBI ang umano’y paggamit ng ilegal na droga sa nasabing establisyimento.