Pangandaman

DBM may pondo para ayudahan biktima ng lindol

184 Views

Mayroon umanong pondo ang gobyerno para matulungan ang mga biktima ng magnitude 7 na lindol na yumanig sa malaking bahagi ng Luzon.

Ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman maaaring gamitin ang National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF).

Batay sa datos ng DBM, hanggang noong Hunyo 30, 2022 ay mayroong P14.7 bilyong pondo ang NDRRMF. Kung ibabawas umano dito ang P1.93 bilyon na nakalaan sa ilalim ng Office of the President ay may natitira pang P12.769 bilyon.

Ang NDRRMF ay maaari umanong gamitin upang ipaayos ang mga napinsala ng lindol.

Dagdag pa ni Pangandaman maaari ring gamitin ang Quick Response Fund (QRF) kung kakailanganin.