Calendar
De Lima: War on drugs ni Duterte peke
PEKE umano ang war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na kumitil sa buhay ng libu-libong katao, ayon kay dating Sen. Leila De Lima.
Ginawa ni De Lima ang pahayag batay sa sinabi ni dating Davao Death Squad member Arturo Lascañas sa panayam ng investigative news website na Vera Files.
“All this time, Duterte has taken the Filipino people for a ride, big time! Ginisa ang bansa sa sarili nitong mantika ng nakaraang administrasyon,” ani De Lima.
Sa simula ng kanyang administrasyon noong 2016, nangako si Duterte na tatapusin nito ang problema kaugnay ng iligal na droga sa loob ng anim na buwan.
Si De Lima ang chairperson ng Commission on Human Rights (CHR) na masusing nag-imbestiga sa iligal na gawain ng Davao Death Squad, at isa si Lascañas sa pangunahing testigo at nagsiwalat sa maling gawain nito.
“This explosive revelation from former Davao policeman and self-confessed Davao Death Squad hitman Arturo Lascañas warrants serious and immediate investigation,” ani De Lima.
“Hindi na nila ito kayang pagtakpan. Indeed, Truth has a way of finding the light of day,” dagdag pa ni De Lima.
Libu-libo ang namatay sa war on drugs ni Duterte na ngayon ay iniimbestigahan ng International Criminal Court (ICC).
Matapos na silipin ng ICC ang war on drugs, ipinag-utos ni Duterte ang pag-atras ng membership ng Pilipinas dito.
Seryosong ikinokonsidera ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang muling pagsali sa ICC.