Ed Andaya

Dear President BBM

Ed Andaya May 25, 2022
487 Views

BAGO pa man ang pag-deklara ng kani-kanilang kandidatura at kampanya para sa pagka-pangulo ng bansa, madaming katanungan ang ninanais nating itanong tungkol sa mga magiging panuntunan ng sports sa bansa.

At ngayon nga na ang napili ng higit na nakararaming mamamayan higit 31 million ayon sa opisyal na pagbilang na si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ay naka-takdang i-proklama na bilang ika 17th presidente ng bansa, minarapat nating ulitin ang mga nasabing katanungan ukol sa sports.

Dahil gaya nga ng ating madalas na sabihin, ang sports ay malaking bahagi ng buhay nating mga Pilipino Sports is a way of life for the Filipinos, ika nga.

Kaya naman kung mabibigyan tayo ng kahit ilang sandali para makapanayam ang ating bagong hirang na Pangulong BBM sa kabila ng kanyang busy schedule, heto ang mga katanungang inihanda natin para sa kanya:

— Una, ano ang masasabi niya sa estado ng Philippine sports ngayon?

— Ano ang maaari pa niyang gawin para itaas ang antas nito at dalhin sa world-class level?

— Sa kabila ng inaasahang mahigpit na national budget sa kanyang mga unang taon, gaano kalaki or kaliit ang maaring gugulin ng pamahalaan para sa sports development? Ang kasalukuyang budget para sa sports ay itataas ba or babawasan ayon sa prayoridad ng pamahalaan?.

— Ano ang masasabi niya sa RA 6847, or ang batas na lumikha sa Philippine Sports Commission (PSC) nun 1990? Sino ang inaakala niyang maaaring mamuno sa PSC?

— Ano ang masasabi niya sa Games and Amusements Board (GAB) at sa mandato nito na i-supervise at i-regulate ang lahat ng professional sports sa bansa? Sang-ayon ba siya sa panukalang batas na lumikha ng hiwalay na sports body na tatawaging Philippine Boxing and Combat Sports Commission (PBCSC)?

— Ano ang masasabi niya sa matagal ng usapin na government intervention in sports? Sang-ayon ba siya sa Olympic charter na nagbabawal dito?

— Sang-ayon ba siya sa panukalang paghiwalayin ang mga mass-based sports at elite sports?

— Ano ang masasabi niya sa mga still- unliquidated financial assistance na ibinigay sa mga NSAs? Dadalhin ba ang mga usapin sa kaukulang korte matapos ang pakikipag- ugnayan sa PSC at Commission on Audit?

— Sang-ayon ba siya sa pagkuha ng mga naturalized athletes upang dalhin ang bandila ng Pilipinas sa mga international competitions? Ano ang tingin niya sa pagkuha ng mga foreign coaches para sa pagsasanay ng mga atleta?

— Ano ang kanyang mga nilarong sports nung kanyang kabataan? Ano ang kanyang paboritong sport?

— Sino ang kanyang paboritong atleta?

Sa maikling mga pananalita, ano ang masasabi niya sa mga susunod na sports personalities:

— Manny Pacquiao the boxing champion.

— Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez.

— Philippine Olympic Committe (POC) president and now Tagaytay City Mayor Abraham “Bambol” Tolentino.

— Games and Amusement Board (GAB) chairman Abraham “Baham” Mitra.

— International Olympic Committee (IOC) official Mikee Cojuangco-Jaworski.

— Former Gintong Alay head Michael Keon.

— San Miguel Corporation head and well-known sports patron Ramon S. Ang.

— PLDT/Smart Communications head and noted sports patron Manny V. Pangilinan.

— Basketball legend Robert Jaworski.

— Tokyo Olympic gold medalist Hidilyn Diaz.

— Filipino-American chess champion Wesley So

— Filipino-Japanese golf champion Yuka Saso.

— Over-staying at under-achieving sports leaders.

Nakatitiyak ang buong bansa na magiging prayoridad ni President BBM ang sports at masasagot ang lahat ng mga katanungan kapag nakauwi na siya sa kanilang dating tahanan sa Malacañang at makaupo na bilang kauna-unahang majority president sa kasaysayan ng bansa.

* * *

Huli man daw at magaling, nais nating muling batiin ang ating mga kaibigan sa sports community na ngayon ay magsisilbi sa ating mga kababayan bilang mga bagong halal na public officials
Ang ilan sa mga ito ay sina Philippine Olympic Committee president Bambol Tolentino (Mayor, Tagaytay City); Migz Zubiri (Senator); Eric Buhain (Congressman, Batangas); Richard Gomez (Congressman, Ormoc); Franz Pumaren (Congressman, Quezon City); Matthew Manotoc (Governor, Ilocos); .Vergel Meneses (Mayor, Bulacan); Francis Zamora (Mayor, San Juan); Albee Benirez (Mayor, Bacolod); Dodot Jaworski (Vice Mayor, Pasig); James Yap (Councilor, San Juan), Paul Artadi (Councilor, San Juan), Don Allado (Councilor, San Juan); Dondon Hontiveros (Councilor, Cebu); Atty. Rebo Saguisag (Councilor, Makati) and Charo Soriano (Board Member, Tuguegarao).

Para sa mga komento at suhestiyon, maaaring mag-email sa [email protected]