Vergeiri

Dengue cases tumaas sa 14 rehiyon

146 Views

LUMAGPAS na sa epidemic threshold para sa dengue ang mga naitalang kaso sa 14 sa 17 rehiyon ng bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire mula Enero 1 hanggang Hunyo 4 ay nakapagtala ng 39,705 kaso ng dengue sa bansa mas mataas ng 31 porsyento kumpara sa naitala sa kaparehong panahon noong 2021.

Sa mga kasong ito ay 202 ang namatay at ang pinakamarami ay 43 noong buwan ng Abril.

Mula Mayo 8 hanggang Hunyo 4 ay 9,814 kaso ang naitala at karamihan sa mga kaso ay sa Central Luzon, Central Visayas, at Calabarzon.

“So 14 out of 17 regions na po ang nakapag exceed ng kanilang epidemic thresholds for the past four weeks,” sabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang press briefing.