Department of Education

DepEd: 14 eskuwelahan nasira sa magnitude 6 lindol sa Davao de Oro

215 Views

NASA 14 na paaralan sa Davao region ang nagtamo ng pinsala sa magnitude 6 na lindol sa Davao de Oro noong Pebrero 1.

Ayon sa Department of Education (DepEd) aabot sa P7 milyon ang gagastusin para maiayos ang mga nasira.

Sinabi ni DepEd spokesperson Michael Poa na gagamitin ang Alternative Delivery Mode (ADM) o distance learning sa mga paaralan na hindi maaaring pasukan ng mga estudyante dahil sa pinsala ng lindol.

Batay sa datos ng Office of Civil Defense umabot sa 16 katao ang nasugatan sa lindol.

Mahigit na 700 aftershock na ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa naturang lindol.