Poa

DepEd: 97.5% ng pampublikong paaralan face-to-face classes na

240 Views

NASA 97.5 porsyento ng mga pampublikong paaralan ang nagpapatupad na ng limang araw na face-to-face classes, ayon sa Department of Education (DepEd).

Sinabi ni DepEd spokesperson Michael Poa na 2.36 porsyento ng mga pampublikong paaralan ang pinayagan na ipagpatuloy ang blended learning dahil sa iba’t ibang kadahilanan gaya ng pagkasira ng mga silid-aralan dulot ng pananalasa ng bagyong Paeng at ginagamit pang evacuation center.

“Nakita naman po natin na naging maayos naman po ang pagre-resume natin ng classes. Wala naman tayong major incidents, although siyempre meron pa rin tayong affected schools dahil sa Typhoon Paeng,” sabi ni Poa.

Ang mga pribadong paaralan ay pinayagan naman na magpasya kung ipagpapatuloy pa ang blended learning o full distance learning.