Derek

Derek ayaw tantanan ng intriga

Vinia Vivar Feb 21, 2025
18 Views

Ayaw pa ring tantanan si Derek Ramsay ng intriga kahit na nga hindi na siya gaanong aktibo sa showbiz.

At take note, hindi writers ang bumabanat sa kanya kundi netizens sa social media.

Kung ano-ano na nga ang ibinato sa kanya – naroroong pagbintangang siyang may ‘other woman,’ akusahang ginagamit lang ang asawang si Ellen Adarna dahil mayaman ito at kung ano-ano pa.

Paminsan-minsan ay sinasasagot ng aktor ang mga basher, lalo kung medyo foul na.

Ang latest naman ngayong intriga sa kanya ay hindi umano siya ang ama ng panganay nilang anak ni Ellen na si Baby Liana.

Sa kanyang Instagram Story ay pinost ng aktor ang screenshot ng comment ng isang basher.

“That’s not his baby. It was on the news that he did a DNA test and he wasn’t the baby daddy,” ang komento ng netizen.

Chill lang ang naging sagot ni Derek dito. Aniya, “Omg!! The DNA test was sent ba to you? Kaya pala hindi ko nakuha.”

Hahaha!

Good thing, hindi naman sineseryoso ng aktor ang bashings sa kanya at tila naa-amuse na lang siya sa mga ito.