Binata napunta sa selda dahil may dalang marijuana
Oct 31, 2026
PRO 10 nilusob lihim na POGO hub sa Iligan
Oct 31, 2026
Lalaki, 60, nasukol sa nabigong pagtsugi
Oct 31, 2026
Calendar
Showbiz
BarDa fans nagkagulo sa bagong video nina Barbie at David
Vinia Vivar
Feb 21, 2025
735
Views
Labis-labis ang kilig ng fans nina Barbie Forteza at David Licauco (BarDa) sa ipinost na video sa Instagram ng Sparke GMA Artists Center.
Sa video ay mapapanood na tinanong ni David si Barbie ng “crush ka ba ng crush mo?”
Sagot ni Barbie, “Hindi, eh.”
Ibinalik ng aktres ang tanong sa ka-loveteam. “Ikaw, crush ka ba ng crush mo?”
Sagot naman ni David, “Ah, sana.”
Tanong ulit ng aktres, “Hindi pa sure?”
Tugon naman ni David, “Hindi pa sure.”
Sambit ni Barbie, “Sayang.”
Pero kasunod nito ay biglang hirit ng aktres, “Tayo na lang kaya?”
Agad-agad na sabi ni David, “Sige.”
Nanlaki naman ang mga mata ni Barbie habang nakatingin sa camera.
Nagkagulo sa comment section ang BarDa fans at tuwang-tuwa sila sa napanood.
86-anyos na star ng Star Trek pumanaw na
Oct 30, 2026
Trato sa taxpayers pinuna ni Rica Peralejo
Oct 25, 2026
PBB Collab 3.0 pinakilala na
Oct 25, 2026
Ina ng Kapamilya singer sumakabilang buhay ba
Oct 25, 2026

