DFA

DFA: Deployment at travel ban sa Myanmar hindi pa inaalis

237 Views

HINDI pa inaalis ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang deployment at travel ban sa Myanmar.

Ayon sa DFA nananatiling epektibo ang Alert Level 4 sa naturang bansa. Nangangahulugan ito na nagpapatupad ang gobyerno ng Pilipinas ng mandatory evacuation sa naturang bansa.

“The DFA acknowledges the concerns of OFWs wishing to return to Myanmar despite the uncertainty and danger posed by the ongoing crisis. However, the safety and security of every single Filipino overseas remains the top priority of the Philippine government,” saad sa pahayag na inilabas ng DFA.

Layunin umano ng ipinatutupad na Alert Level 4 na proteksyunan ang mga Pilipino.

Ang Alert Level 4 ang pinakamataas na crisis alert na maaaring ipatupad ng gobyerno ng Pilipinas sa mga bansa kung saan mayroong kaguluhan na maglalagay sa panganib sa buhay ng mga Pilipino.

Noong Pebrero 2021 ay nagkaroon ng kudeta sa Myanmar at ikinulong ang mga opisyal ng gobyerno.