Taga-Antipolo inambush noong Pasko, dedo
Dec 27, 2024
Eroplano ng PAL lumampas sa runway, flight nakansela
Dec 27, 2024
Taong grasa nakitang walang malay, DOA sa ospital
Dec 27, 2024
Lalaki nasaksak habang umaawat sa away, patay
Dec 27, 2024
Calendar
Overseas Filipino Workers
DFA sisimulan repatriation ng OFWs sa Sudan sa susunod na linggo
Peoples Taliba Editor
Apr 21, 2023
163
Views
SISIMULAN ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang repatriation ng mga Pilipino sa Sudan sa susunod na linggo.
Ayon kay DFA Undersecretary for Migrant Workers Affairs Eduardo de Vega matatagalan ang repatriation dahil sa gulo sa pagitan ng Sudanese Armed Forces at Paramilitary Rapid Support Forces.
Sinabi ni de Vega na ang gagawin ay land evacuation dahil hindi magamit ang paliparan.
Mayroon umanong 250 Pilipino sa Sudan pero maaari umanong umabot sa 500 ang bilang na ito dahil mayroong mga nagtatrabaho roon ng hindi nakarehistro sa ahensya.
Nanawagan si de Vega sa mga Filipino na nasa Sudan na makipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa numerong +20 122 743 6472 at sa PHinEgypt Facebook messenger account upang mapadalhan ng tulong.
Magsino ikinagalak pagbabalik sa bansa ni Veloso
Dec 19, 2024
PBBM pinamigay 4 na condo units sa mga OFW
Dec 17, 2024