Gatchalian

Di pata ipagwalang-bahala nakitang PLA uniform, baril, medals sa ni-raid na POGO sa Pampanga

38 Views

SINABI ni Sen. Sherwin Gatchalian na hindi dapat ipagwalang bahala ang mga nakitang uniporme ng PLA (People’s Liberation Army), mga baril, medalya ng militar na sundalo ng China sa mga ni-raid na Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) sa Pampanga.

Ayon kay Gatchalian, mas inaayunan niya ang pananaw ni Defense Sec. Gilberto Gibo Teodoro na i-total ban na ang mga POGO dahil banta sa ating seguridad ang mga ito.

Sinabi ni Gatchalian na makatotohanan ang pananaw ni Sec. Teodoro dahil sa lumalakas na impluwensiya nito sa ating lipunan at sa sektor ng ating pamahalaan.

Ipinunto ni Gatchalian na lahat ng ebidensiya, kasama na ang uniporme ng mga militar na Tsino, boots, medals, mga hacking equipment, gayundin ng mga surveillance equipment na nakita na sa mga POGO hubs na ito, hindi pwedeng ipagkibit balikat lamang.

Binatikos din ni Gatchalian ang Phil Amusement Gaming Corporation dahil sa patuloy nitong pag mamaang maangan at hindi pagpansin sa mga negatibong epektong dala ng POGO.

“This must be the responsiblity of PAGCOR to regulate POGO which they failed to do so because of their dual role– to regulate and to operate,” ani Gatchalian.

Ikinatuwiran pa ni Gatchalian na ang banta nito para sa bayan hindi matutumbasan ng kinikita dito lalot pinagmumulan ito ng ibat-ibang krimen tulad ng sex at human trafficking, prostitution, money laundering, ibat-ibang uri ng scams, hacking at spying sa mga website ng gobyerno natin.

Nauna rito ay sinabi ni Defense Sec. Teodoro na posible na ang China ang nasa likod nito. “China may be behind these illegal POGOs to weaken an enemy,” sabi ni Sec. Teodoro

Based sa ulat, taliwas sa mungkahi ni Sec. Teodoro, sinabi naman ni National Security Adviser Eduardo Año na hindi pa maituturing na isang national security threat ang POGO sa pananaw ng National Security Council (NSC).

Ayon naman kay Senate President Francis Escudero, tama si Sec. Teodoro na dapat isara ang lahat nang illegal na POGO.

“I agree with Secretary Teodoro who seems to be referring to illegal POGO operations because he said that ‘do not operate as intended.’

In fact, all illegal POGOs should be closed whether they are close to our military bases or not, and their perpetrators arrested,” ani Escudero.

Sinabi rin ni Escudero na sa simulat simula pa pabor siya sa operasyon ng legal na POGO ngunit tutol naman siya sa illegal na operasyon nito.

Nilinaw ni Escudero na kung ang isyu ng sugal ang problema ay dapat ipasara lahat ng uri nito maging ang mga gambling aniya sa casino.

Para kay Sen. Risa Hontiveros, mas sinusuportahan niya ang pananaw ni Teodoro na i-total ban na ang POGO dahil sa banta nito seguridad ng bansa.