Posas

Kelot tiklo sa buy-bust sa Batangas City

44 Views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Nahuli ng mga otoridad ang isang lalaki dahil sa pag-iingat ng mga droga sa Brgy. Balete, Batangas City, kamakalawa.

Nahuli ang suspek na si alyas Marlo sa buy-bust ng City Drug Enforcement Team (CDET) ng Batangas City Police Station (CPS) kasama si P/Capt. Regamer Hermidillo at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Miyembro umano ng isang criminal group ang suspek, ayon kay Batangas police director P/Col. Jacinto Malinao, Jr.

Nakumpiska ng mga pulis mula sa suspek ang apat na plastic sachet na may 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P340,000; tatlong plastic sachet ng marijuana na may bigat na 240 gramo at may presyong P28,800; isang P1,000 note na ginamit bilang buy-bust money, dalawang P500 notes at itim na sling bag.