Villacorta

Digital version ng driver’s license sinimulan ng LTO

Jun I Legaspi Jul 14, 2023
193 Views

SINIMULAN na ng Land Transportation Office (LTO) ang pamimigay ng electronic driver’s license (eDL), na valid umanong gamitin gaya ng pisikal na driver’s license.

Ayon kay LTO officer-in-charge Hector Villacorta nailabas na ang guidelines kaugnay ng pamimigay ng eDL matapos ang isinagawang pag-aaral sa seguridad ng digital version ng lisensya.

Ang eDL ay maaari umanong makuha sa pamamagitan ng Land Transportation Management System (LTMS) account ng may-ari ng lisensya.

“The eDL is a valid, secure, and an alternative form of authorization for persons operating motor vehicles. We are launching this as part of the agency’s digitalization. The eDL will also ensure efficiency in our service,” sabi ni Villacorta.

Ayon kay Villacorta ang eDL ay mayroong pribilehiyo at responsibilidad na gaya ng pisikal na lisensya.