Pena

Dilawang organizer ng sablay na Comelec debate nabuking na biz partner ni Bam

Nelo Javier Apr 25, 2022
228 Views

KINUKWESTIYON ngayon ang multimilyon-pisong kontrata ng Commission on Elections (Comelec) na ibinigay sa isang kumpanya para mag-organize ng serye ng debate ng mga presidential at vice presidential candidates.

Ito ay matapos na matuklasan na kilalang malapit at business partner ng campaign manager ni Leni Robredo na si dating senador Bam Aquino si Atty. Gideon Peña ang presidente at may-ari ng kumpanyang Impact Hub Manila.

Ang nasabing kumpanya umano ang nag-isyu ng tumalbog na tseke sa Hotel Sofitel, na naging dahilan kung bakit nagalit ang pamunuan ng hotel at kinansela ang huling bahagi ng naka-schedule na Comelec-sponsored presidential at vice presidential debate nitong nakaraang weekend.

Nabatid na naglaan ng pondo ang Comelec ng P15. 3 milyon sa IHM para i-iorganize ang serye ng “Pilipinas Debates 2022.”

Noong Mayo 2020, nasa mismong website ng Impact Hub na nag-partner sila kasama si Bam Aquino sa isang proyekto na “Resiliency Project” para matugunan ng pamahalaan ang problema ng mga maliliit na negosyante ukol sa pandemya.

“Impact Hub Manila, together with former Sen. Bam Aquino has submitted to the government’s Inter-Agency Task Force a set of policy recommendations along with a position paper in behalf of micro, small, and medium enterprises (MSMEs) that have been affected by the COVID-19 pandemic,” ayon sa pahayag ng IHM noong Mayo 15, 2020.

Samantala, nabunyag din sa mga ulat na si Peña ay kilala ring malapit na kaibigan ni Kris Aquino at mga kapamilya nito na aktibo ring nangangampanya para kay Robredo.

Kaya naman hindi maiwasang kwestiyunin ng publiko ang naturang kontrata.

“Sino ba si Atty. Gideon Peña ng Impact Hub Manila na organizer ng presidential debates? Kaibigan lang naman ni Kris Aquino at supporter ni Leni. Bakit ito ang kinuha ng Comelec para mag-organize ng debate?” tanong ng isang kritiko.

Samantala, binatikos din sa mga pahayagan ang naturang kontrata matapos mabunyag na hindi dumaan sa Comelec en banc ang pagbibigay ng proyekto sa Impact Hub at tanging si Comelec spokesperson James Jimenez lamang ang nagbigay ng proyekto sa naturang organizer.