Dingdong, Marian di pa rin makapaniwala sa record kita ng ‘Rewind’

Aster A Amoyo Jul 30, 2024
152 Views

Dingdong1MAGSISILBING advance birthday gift sa Kapuso Primetime King, actor, TV host, celebrity endorser, film producer and entrepreneur na si Dingdong Dantes ang kanyang pagkakapanalo ng Best Actor award sa katatapos pa lamang na ika-40th Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC) para sa kanyang mahusay na pagganap sa pelikulang “Rewind” na pinagtambalan nila ng kanyang misis na si Marian Rivera. The movie now holds the highest grossing film of all time outpassing the previous record na hawak ng “Hello, Love, Goodbye” na pinagbidahan nung 2019 nina Kathryn Bernardo at Alden Richards at pinamahalaan ng box office director na si Cathy Garcia-Sampana.

Dingdong is celebrating his 44th birthday sa darating na Biyernes, August 2.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang mag-asawang Dingdong at Marian na mahahawakan nila ang record ng highest grossing Filipino film of all time sa pamamagitan ng “Rewind” na dinirek ng Kapamilya director na si Mae Cruz-Alviar under Star Cinema and AgostoDos Productions ni Dingdong.

Sa kinita pa lamang ni Dingdong as co-producer ng “Rewind” ay puwede na niyang i-consider ang pagre-retiro pero wala ito sa kanyang immediate plans lalupa’t marami pa siyang gustong gawin sa industriyang kanyang pinasok when he was in his teens nang siya’y maging bahagi ng all-male dance group, ang Abztract Dancers na kinabilangan ng kanyang pinsan, ang dancer-turned actor na si Arthur Solinap at kaibigang si Nathan Dado.

The Philippine Navy reservist is also the chairman ng AKTOR na samahan ng mga actors sa Pilipinas na siyang nangunguna ngayon sa pagsulong ng nominasyon na gawing National Artist for Film and Broadcast ang Star for All Seasons, multi-award-winning actress at dating public servant na si Vilma Santos-Recto.

Samantala, kung ninanamnam man ngayon ng mag-asawang Dingdong at Marian ang malaking tagumpay ng “Rewind” movie, hindi naman ikinakaila ng celebrity couple na hindi umano nila nakapiling ang dalawa nilang anak na sina Zia at Sixto sa mga panahong busy sila sa pagpu-promote ng pelikula during the Christmas season. Ito umano ang dahilan kung bakit pahinga muna sila sa paggawa ng pelikula for the Metro Manila Film Festival.

Bukod sa panalo ni Dingdong sa recently-concluded Star Awards for Movies ng PMPC, siya rin ang tinanghal na Best Actor (tie sila ni Piolo Pascual for “Mallari”) sa maiden Manila International Film Festival awards night sa Hollywood, USA nung February 3, 2024 na ginanap sa Directors Guild of America Theatre in Sunset Blvd., Los Angeles, California, USA.

Si Dingdong ang maghu-host sa upcoming bagong season ng Philippine adaption ng reality singing competition na “The Voice Kids” na malapit nang mapanood on GMA matapos itong mapanood ng maraming taon sa ABS-CBN since 2014.

Si Dingdong din ang host ng top-rating afternoon game show na “Family Fued”.

It seems na si Dingdong ang kasagutan ng Kapuso network kay Luis Manzano bilang host sa Kapamilya channel.

Si Mr. M pa rin ba ang magdidirek ng The Voice Kids (Philippines) sa GMA?

SINCE 2014, ang Philippine adaptation ng reality singing competition ng mga bata, ang The Voice Kids (Philippines) was mounted and aired on ABS-CBN for several years kung saan si Lyca Gairanod ang kauna-unahang tinanghal na kampeon sa ilalim ni Coach Sarah Geronimo. Pero pagkaraan ng maraming taon, ang nasabing patimpalak ay mapapanood na sa Kapuso network very soon with Primetime King and box office star Dingdong Dantes as host. Tatayo namang mga coach sina Billy Crawford, Julie Anne San Jose at dalawang miyembro ng SB19 na sina Pablo at Stell.

Ang unang season ng The Voice Kids (Philippines) was directed by the former head ng Star Magic na si Johnny Manahan (na consultant na ngayon ng Sparkle GMA Artists Center) with Luis Manzano and Alex Gonzaga as the original hosts.

Ngayong nasa bakuran na ng GMA ang “The Voice Kids (Philippines),” si Johnny M. pa rin kaya ang magdidirek nito?

It was Johnny M. who initiated the Star Magic Ball which was later changed to ABS-CBN Ball. When he moved to GMA, it was also his idea na magkaroon din ang Kapuso network ng kanilang annual gala night at dito nabuo ang GMA Gala Night.

Idea rin ni Johnny M. ang pagkakaroon ng concert tour sa Amerika at sa iba pang bansa featuring stars and talents ng Star Magic na ginagawa na rin ngayon ng Kapuso network sa kanilang Sparkle talents.

Si Mr. M. din ang kauna-unahang director ng top-rating and weekly musical variety show ng ABS-CBN, ang “ASAP” na ginawa nang “ASAP Natin `To” magmula nang pumasok sa programa ang mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid.

Hindi rin kami magtataka kung si Mr. M na rin ang magdirek ng lingguhang musical show ng GMA, ang “All Out Sundays” na makailang beses na ring nag-reformat since “SOP” days.

Ang “All Out Sundays” ay pinamamahalaan ngayon ni Miggy Tanchanco.

Kim Chiu tatanggap ng award sa Seoul bilang Outstanding Asian Star

Kim1ANG 34-year-old Kapamilya star na si Kim Chiu ang tatanggap this year ng Outstanding Asian Star Award mula sa Seoul International Drama Awards 2024 in South Korea sa darating na September 25, 2024 na gaganapin sa KBS Hall ng Seoul, South Korea dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa hit primetime family drama na “Linlang”.

Thankful ang Chinita Princess sa bagong parangal na ito na dumating at a time na nasa period pa lamang siya ng healing process sa paghihiwalay nila ng ex-boyfriend of 11 years na si Xian Lim.

Nali-link ngayon ang singer, actress, dancer, TV host, celebrity endorser and entrepreneur sa kanyang leading man sa Philippine adaptation ng Korea’s hit K-drama series na “What’s Wrong with Secretary Kim” na si Paulo Avelino at pag-amin na lamang ng dalawa ang hinihintay ng kanilang mga fans and the public in general.

Si Kim ang isa if not the busiest talents sa ilalim ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.