Ash Naglagay ng abo sa noo ng mga parokyano noong Miyerkules si Rev. Oliver Genuino, kura paroko ng Parokya ng St. Francis of Assisi sa General Trias, Cavite, na hudyat ng pagsisimula ng Lent season.

Diocese ng Imus naglabas ng paalala tungkol sa pagsisimula ng Kwaresma

Dennis Abrina Mar 5, 2025
16 Views

GENERAL TRIAS CITY, Cavite–Naglabas ang Diocese of Imus ng mga petsa at ilang paalala upang gabayan ang publiko tungkol sa pagsisimula ng Kwaresma.

Miyerkules ng Abo, Marso 05, 2025, Linggo ng Palaspas sa Abril 13, 2025, Lunes ng Semana Santa: Abril 14, 2025, Martes ng Semana Santa: Abril 15, 2025, Miyerkules ng Semana Santa: Abril 16, 2025, Huwebes Santo: Abril 17, 2025 at Biyernes Santo: Abril 18, 2025, Abril 2025, Sabado ng Mahal na Araw: Abril 2025. 20, 2025.

Ang Kuwaresma nagsisimula sa Miyerkules ng Abo, Marso 5, at nagpapatuloy hanggang sa Huwebes Santo.

Hinihikayat ang mga deboto na mag-ayuno sa Miyerkules ng Abo at Biyernes Santo o Pinapayagan ang isang buong pagkain bawat araw.

Dalawang mas maliliit na pagkain ang pinahihintulutan ngunit hindi katumbas ng isang buong pagkain kapag pinagsama mula sa edad na 18-59.

Ayon sa Diocese of Imus, nauunawaan ng Simbahan na ang ilang tao maaaring hindi makapag-ayuno o makaiwas sa ilang pagkain dahil sa kanilang sitwasyon.

Hinihikayat ang mga Katoliko na magsimba, humanap ng kahit isang oras man lang ngayong banal na linggo upang italaga sa panalangin, dumalo sa mga liturhiya, ilayo ang lahat ng distractions at makipagpayapaan sa iyong kapwa.