Discaya Kinuhanan ng fingerprint si Sarah Discaya matapos arestuhin ng NBI dahil sa iba’t-ibang kaso.

Discaya diretso Cebu matapos maaresto

Jon-jon Reyes Dec 19, 2025
223 Views

INARESTO ang big time contractor na si Sarah Discaya at nasa National Bureau of Investigation detention facility na sa Muntinlupa, ayon sa NBI noong Biyernes.

Inaresto si Discaya mula sa arrest warrant galing sa Regional Trial Court, Seventh Judicial Region, Branch 27, Lapu-Lapu City, Cebu para sa mga kasong paglabag sa seksyon 3(e) ng RA 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) at Malversation of Public Funds o Property sa ilalim ng Article 217 ng Revised Penal Code na ginawa sa pamamagitan ng falsification of public documents.

Sa pagkakaaresto, sumailalim si Discaya sa standard booking at documentation at pansamantalang inilagay sa NBI detention facility.

Ihahatid siya sa Cebu upang pormal na iharap sa nag-isyu na hukuman bilang pagsunod sa mga legal na proseso ng korte.

Binibigyang-diin ng NBI na ang lahat ng mga aksyon na ginawa ay mahigpit na pagsunod sa angkop na proseso at tuntunin ng batas.