Calendar
Distressed OFW mula Singapore tinulungan ni Millar
PERSONAL na inalalayan at tinulungan ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Region 3 Regional Director Atty. Falconi “Ace” V. Millar ang isang “distressed” Overseas Filipino Worker (OFW) mula sa Singapore sa pamamagitan ng medical assistance kasama ang employer nito sa loob ng 31 taon.
Nabatid ng People’s Taliba mula kay Atty. Millar na siniguro mismo aniya ng employer ng OFW na nakilalang si Jocelyn na kapiling na nito ang kaniyang pamilya mula sa Region 1 at maayos na nakabalik sa kanilang lalawigan sa Ilocos na kasalukuyang dumaranas umano ng stage 4 cancer.
Dahil dito, labis naman nagpasalamat si Millar sa employer ni Jocelyn dahil sa maayas na pagtrato nito sa nasabing OFW sa kabila ng mabigat na problemang kinakaharap nito sa kaniyang kalusugan.
“I am the who is saying thank you Jocelyn for your great service and loving my family as your own and thank you to our OWWA team for the assistance,” ayon kay Millar.
Ayon kay Millar, hindi natatapos sa kaso ni Jocelyn ang paglilingod na ginagawa ng OWWA Region 3 para sa mga OFWs at Migrant workers. Sa katunayan umano ay tuloy-tuloy ang kanilang serbisyo sa pamamagitan ng mga nakahilerang programa at proyekto para sa mga OFWs.
“Tuloy tuloy ang ating paglilingkod para sa mga OFWs. Hindi natatapos sa kaso ni Jocelyn ang ating serbisyo. Marami pang paglilingkod ang ating gagawin para sa kapakanan ng ating mga OFWs,” sabi pa ni Atty. Millar