Calendar

Dizon sinuspendi cashless payments sa N, SL Expressway
SINUSPENDI ni Transportation Secretary Vince Dizon ang impementasyon ng cashless payments sa North at South Luzon Expressway.
Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Dizon na inatasan na niya ang Toll Regulatory Board na huwag nang ituloy ang full cashless payment sa mga expressway sa Marso 15.
Paliwanag ni Dizon, anti-poor ang cashless payments dahil hindi naman lahat ay kayang mag-load sa kani-kanilang Radio-Frequency Identification (RFIDs).
“Kayo siguro dito, kaya niyo mag-load sa Easytrip tsaka sa AutoSweep ng P2,000, P3,000, P,5000. Pero paano yung mga kababayan natin na sagad-sagad ang budget? Di ba? hindi sila makaka-load,” pahayag ni Dizon.
“Ibig sabihin, pag-cashless, anong gagawin niya? Kalbaryo na naman ‘yun. Pagpapahirap na naman sa tao yun.”
Ayon kay Dizon, makikipag-ugnayan siya sa mga toll operators na Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) at San Miguel para ayusin ang implementasyon ng 100% contactless payments.
Una nang sinabi ng NLEX Corporation na gagastos ang kanilang hanay ng P1.4 bilyon para sa technology upgrades at matiyak na maging maayos ang cashless payments.