Calendar
DMW pinuri sa paglulunsad ng OFW Pass
PINAPURIHAN ni OFW Party List Congresswoman Marissa “Del Mar” P. Magsino ang Department of Migrant Workers (DMW) dahil sa matagumpay na paglulunsad ng OFW Pass. Isang digital platform para palitan ang naka-gawian o tradisyunal na paper-based na Overseas Employment Certificate (OEC).
Sinabi ni Magsino na sa pamamagitan ng paglulunsad ng makabagong OFW Pass, umaasa ang mambabatas na matutugunan nito ang problema ng makalumang proseso o pamamaraan ng OEC para sa application process ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Tinukoy ni Magsino ang napakatagal na pagpo-proseso sa OEC ng mga OFWs kabilang na dito ang napaka-mahal na singilin para dito. Kung kaya’t sa pamamagitan ng makabago o modernong OEC ay mas magiging madali at mabilis ang pagpo-proseso ng nasabing dokumento.
Binigyang diin ng kongresista na malaki ang maitutulong ng digitalized processing ng OEC para mas mapadali at maisa-ayos ang pagpo-proseso sa kanilang mga dokumento na dating nagdudulot ng malaking perwisyo para sa mga OFWs dahil sa napakatagal na sistema.
“It has been a long time coming. But we are happy and hopeful that the OFW Pass will give relief and convenience to our OFWs who have been enduring the traditional process for years. Isang pahirap sa ating mga OFWs ang dating OEC prcess,” Paliwanag ni Magsino.