Gas

DOE: Presyo ng gas, diesel tatas

Edd Reyes Nov 22, 2024
36 Views

MATAPOS magpakagat ng bawas-presyo, sisipa na naman ang presyo ng gas at diesel, ayon sa Department of Energy (DOE).

Sa pagtaya ng DOE, 70 sentimos hanggang 90 sentimos kada litro ang itataas ng gasolina, 70 sentimos hanggang P1 sa diesel at 60 sentimos hanggang 70 sentimos naman sa kerosene.

Ayon kay DOE-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, ang lumalalang tensiyon sa Russia at ang balita na pagsasara ng kanilang oil refinery bunga ng matinding pagkalugi at mababang produksyon ang ilan sa dahilan ng pagsirit ng presyo sa apat na araw na kalakalan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Kadalasang nag-aanunsiyo ng paggalaw ng presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis tuwing Lunes at ipinatutupad sabay-sabay kinabukasan ng umaga.