Vergeiri

DOH: 446,696 nagka-TB noong 2022

190 Views

UMABOT umano sa 446,696 kaso ng tuberculosis ang naitala ng Department of Health (DOH) noong 2022.

Inamin naman ni DOH officer in charge Maria Rosario Vergeire na posibleng tumaas pa ang bilang na ito dahil mayroon pa silang mga bineberepikang kaso.

Ayon kay Vergeire naapektuhan ng COVID-19 pandemic ang kampanya ng gobyerno laban sa TB na nagpataas sa mga naitalang bilang.

Ang TB, na nakaka-apekto sa baga ng tao ay maaaring maipasa sa iba. Kapag umubo o bumahing ang isang taong may-TB kumakalat ang bacteria sa hangin na maaaring malanghap ng mga taong nasa paligid nito.

Sinabi ni Vergeire na ang isang taong may TB ay maaaring makahawa ng 10 hanggang 20 tao sa isang bahing.