Nag-ahit, nakuryente, patay
Nov 24, 2024
3rd NLTEX ’24 ginanap sa La Union
Nov 24, 2024
Kabahayan sa Isla Puting Bato nasunog
Nov 24, 2024
Calendar
Health & Wellness
DOH nagbabala laban sa kumakalat sa social media na gamot sa hypertension
Peoples Taliba Editor
May 21, 2023
179
Views
NAGLABAS ng babala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa kumakalat na post sa social media kaugnay ng gamot laban sa hypertension na inirerekomenda umano nito.
“The DOH further clarifies that the said post is not in any way or form approved, affiliated, or recommended by the DOH and its attached agencies,” sabi ng DOH.
Nanawagan ang DOH sa publiko na maging mapanuri at tiyakin kung lehitimo ang pinanggagalingan ng impormasyon bago maniwala.
Ayon sa DOH ang mga non-communicable disease at comorbidity gaya ng hypertension ay naiiwasan sa pamamagitan ng healthy lifestyle katulad ng tamang diet at pageehersisyo.
Inirekomenda rin ng DOH na regular na magpa-checkup at kumonsulta sa doktor.