DOH

DOH nagbabala sa masamang epekto ng ash fall sa kalusugan

237 Views

NAGLABAS ng babala ang Department of Health (DOH) kaugnay ng panganib na dala ng abo na ibinuga ng bulkang Bulusan sa Sorsogon.

Ayon sa DOH ang abo na ibinuga ng bulkan ay mayroong carbon dioxide at fluorine na mapanganib sa katawan kapag ito ay nalanghap.

Narito ang paalalang inilabas ng DOH

– Manatili sa loob ng bahay. Iwasang lumabas kung hindi kinakailangan.

– Linisin ang abo sa bubong at alulod ng bahay pagkatapos ng ash fall.

– Huwag gawin kung kailan malakas pa ang pagbagsak ng abo.

– Alamin ang sitwasyon sa kalsada. Sumunod sa batas trapiko.

– Ihanda ang emergency bag (Go Bag). Magdala ng sapat na supply ng tubig, pagkain, damit, first aid, at gamot.

– Makinig sa payo ng mga lokal na awtoridad sa susunod na dapat gawin.

Itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang Alert Level ng Bulusan Volcano sa level 1 (low-level unrest) mula sa level zero (normal).