Vergeiri

DOH naghahanda na para sa 2nd booster shot vs COVID-19

204 Views

NAGHAHANDA na ang Department of Health (DOH) para sa pagbibigay ng ikalawang booster shot sa general population laban sa COVID-19.

Ayon kay DOH Officer-in-Charge at Undersecretary Maria Rosario Vergeire pinaplantsa na ang guidelines kaugnay nito at inaasahang matatapos ngayong linggo.

Sinabi ni Vergeire na bakunang gawa ng Pfizer, Moderna, at AstraZeneca ang gagamitin sa ikalawang booster shot.

Tiniyak rin nito na mayroong sapat na suplay ng bakuna.

Unang binigyan ng ikalawang booster shot ang mga health workers, edad 50-taong gulang pataas, at mayroong mga comorbidity.

Mahigit 74 milyong Pilipino ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.