Calendar
Dokumentong hawak ng Quad Comm ipinasa na sa OSG
IPINASA na ng Quad Committee ng Kamara de Representantes sa Office of the Solicitor General (OSG) ang lahat ng mga dokumentong hawak nito patungkol sa mga pag-aaring lupain ng mga Chinese nationals sa Pilipinas na sangkot sa illegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at iba pang uri ng criminal activities.
Ayon sa lead chairman ng House Quad Committee na si Surigao del Norte 2nd Dist. Robert Ace S. Barbers. Ang mga naturang dokumento na tinern-over ng Komite sa OSG ay naglalaman ng mga binili at pag-aaring lupain ng mga Chinese nationals kabilang na dito ang lalawigan ng Pampanga at iba pang mga lugar sa bansa na mayroong POGO hub.
Sinabi ni Barbers na ang makapal at napakaraming dokumentong pinanghahawakan nila ay alinsunod sa mga natuklan sa isinagawang imbestigasyon ng House Committee on Public Accounts na pinamumunuan ni Abang Lingkod Party List Rep. Joseph Stephen Paduano at House Committee on Dangerous Drugs na pinamumunuan naman nito. Napag-alaman na mayroong pag-aaring lupain ang ilang Chinese personalities na ang karamihan ay umaabot sa libo-libong hektarya.
“Today the Quad Comm will turn over documents pertaining to the land acquisition and properties believed to be owned, procured acquired by the Chinese nationals. In the course of investigation on the Committee on Public Accounts and the Committee on Dangerous Drugs, we have discovered that there are several Chinese personalities who acquired thousands of hectares of land in the province of Pampanga and this was the result and these documents are the findings of the Committee on Public Accounts and the Committee on Dangerous Drugs where corporations owned or majority owned by Chinese ang may-ari ng mga properties na ito,” sabi ni Barbers.
Dagdag pa ni Barbers na ipinasa na nila sa OSG ang mga naturang dokumento upang magsagawa rin ito ng kanilang sarili at hiwalay na imbestigasyon kaugnay sa nabanggit na usapin kasunod nito ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga Chinese nationals na nagpapanggap umanong mga Pilipino kasama na ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno na pinaniniwalaang tumulong sa kanila para makabili at makapag-may ari ng hekta-hektaryang lupain sa Pilipinas.
Dahil dito, binigyang diin ng kongresista na sinasaad mismo sa 1987 Philippine Constitution na mahigpit na pinagbabawal para sa mga dayuhan ang mag-may ari (100% ownership) ng mga lupain at korporasyon sa Pilipinas.
“The recommendation of the Quad Committee is to turn-over these documents to the Office of the Solicitor General (OSG) in order to conduct their own investigation for possible or for feature proceedings for these properties. Malaki ang na-discover dito, sa laki ng mga lupain na pag-aari ng mga Chinese nationals. Alam naman natin the Constitution prohibits foreign nationals from acquiring 100 percent ownership ng ating mga lupa at pagtatayo ng mga korporasyon,* dagdag pa ng kongresista.
Pagdidiin din ni Barbers na ang ginawa nilang pag-tern-over ng mga nasabing dokumento ay bahagi ng trabaho at tungkulin ng Quad Committee at walang pamumulitika.
“Just to let the people know na ito ay trabaho ng Quad Comm at gusto namin emphasize na ang Quad Comm ay walang halong politika kundi trabaho lamang,” pahayag ni Barbers.
Kabilang sa mga dumalo sa para sa panig ng OSG ay sina Assistant Solicitor Generals Hermes L. Ocampo at Gilbert U. Medrano at Senior State Solicitor Neil Lorenzo kung saan tinanggap nila ang mga dokumento mula sa House Quad Comm.