Calendar
DOT gumagawa ng. hakbang patungo sa digitalization
TINIYAK ng Department of Tourism-National Capital Region (DOT-NCR) na gumagawa ito ng hakbang patungo sa digitalization age.
Patunay dito ang hosting ng DOT-NCR ng Digitalization Focus Group Discussion kasama ang Klook, ang nangungunang travel platform sa Asya.
Inimbitahan ang mga stakeholder mula sa mga kinikilalang ahensya sa paglalakbay, tour operator, tour guide at mga kumpanya ng digital platform upang talakayin ang pagpapaunlad ng produkto ng turismo, landscape ng turismo, pagpapaunlad ng lokal na produkto, tourism value chain at mga digital platform.
Ipinaliwanag ni DOT Regional Director Sharlene Zabala-Batin ang direksyon kung saan patungo ang NCR sa pagtugon sa three-pronged agenda ng DOT gamit ang teknolohiya at digitalization efforts.
Sa pamumuno ni DOT Secretary Christina Garcia Frasco, nagsusumikap ang DOT na isama ang mga digital na teknolohiya sa mga serbisyo at imprastraktura ng turismo.
Nakahanay sa 7-point agenda ng National Tourism Development Plan 2023-2028 ng DOT na tinatanggap ng DOT-NCR ang digital transformation ng mga karanasan sa paglalakbay sa ika-21 siglo.