DOT

DOT nakiisa sa marathon na nilahukan ng 7,500 runners

Jon-jon Reyes Oct 7, 2024
135 Views

NAKIISA ang Department of Tourism (DOT) sa ginanap na Samsung Galaxy Watch Manila Marathon 2024 na inorganisa ng RunRio Inc. noong Linggo sa Manila at Pasay City na nilahukan ng may 7,500 runners.

Dumaan ang marathon sa Chinatown, Jones Bridge, Luneta, Intramuros at SM Mall of Asia.

Inilunsad ang marathon bilang pagkilala sa Maynila na World’s Leading City Destination noong nakaraang taon gayundin ang Asia’s Leading Tourist Attraction sa 2024 World Travel Awards.

Tuwang-tuwa ang founder ng Runrio Inc. na si Rio dela Cruz sa malaking tugon mula sa publiko.

“We are very, very happy with the turnout kahit umulan siya, nagpakita ng mga runners natin and good feedback from our runners because we achieved our goal na daanan natin ang mga iconic tourist locations dito sa Metro Manila,” dagdag nito.

Binigyang-diin din niya ang positibong epekto sa ekonomiya ng marathon sa mga lugar na binanggit.

Ang partnership sa pagitan ng RunRio, Inc. at DOT sumasalamin sa iisang pangako sa pagtataguyod ng sports tourism sa Pilipinas.

Ang mga empleyado ng DOT, sa pangunguna ng Office of Film and Sports Tourism, lumahok sa marathon.

Gaganapin ang Women’s Run, Cebu Half Marathon at ang Trilogy Run Asia legs sa iba’t-ibang destinasyon tulad ng Cagayan de Oro, Baguio, Iloilo, at Bacolod, Davao at pabalik sa MOA sa finals.