Just In

Calendar

January 2025
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Madrona

DOT: Pagdagsa ng 4.3M dayuhang turista di napigilian ng ‘OTS scandal’

Mar Rodriguez Oct 5, 2023
175 Views

SA kabila ng eskandalong kinasangkutan ng ilang tiwaling tauhan ng Office of Transport Security (OTS) matapos pagnakawan ang isang dayuhang pasahero, hindi pa rin napigilan ang pagdagsa ng nasa tinatayang apat na million dayuhang turista na bumisita sa Pilipinas, ayon sa Department of Tourism (DOT).

Ikinagalak ng Chairman ng House Committee on Tourism na si Romblon Lone Dist. Congressman Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona ang naitalang pagdagsa ng 4,005,465 million turista mula January hanggang September 29, 2023.

Naniniwala si Madrona na ang pinakahuling datos o latest data na inilabas ng DOT ay resulta ng naging tagumpay ng “Love the Philippines” promotional slogan na inilunsad ng ahensiya para humihikayat nga mga dayuhang turista na bumisita sa Pilipinas.

Binigyang diin ng kongresista na ang sektor ng turismo ang isa sa mga inaasahan at haligi ng ekonomiya ng bansa na tinawag nitong “economic driver o backbone” ng gobyerno dahil sa malaking kontribusyon na nai-aambag nito na makikita rin sa datos ng DOT na umabot ng P316 billion ang kinita ng pamahalaan.

Nauna rito, sinusuportahan ng Committee on Tourism ang hakbang ng Office of Transport Security (OTS) na mas higpitan ang pamamaraan nito sa kanilang mga security personnel na nagsasagawa ng pag-iinspeksiyon sa mga pasahero ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sinabi ni Madrona na nararapat lang na magpatupad ng karagdagang paghihigpit ang OTS matapos ang panibagong eskandalo at kontrobersiyang kinasasangkutan ng kanilang sariling tauhan.

Ayon sa mambabatas, sinasang-ayunan nito ang desisyon at pagkilos ng OTS na magpatupad ng paghihigpit. Sapagkat muli na naman natambad sa labis na kahihiyan ang Pilipinas dahil sa pagnanakaw ng isa sa kanilang tauhan (OTS) na isang 28 taong gulang na contractual employee.