PCG

DOTr nagdalamhati sa naulila ng 3 PCG personnel na namatay sa Cebu lindol

Jun I Legaspi Oct 1, 2025
339 Views

NAGPAABOT ng pakikiramay ang buong Department of Transportation (DOTr) sa pangunguna ni Acting Sectetay Giovanni Lopez, sa mga pamilyang naulila ng tatlong Philippine Coast Guard (PCG) personnel matapos gumuho ang San Remegio Sports Complex kasunod ng magnitude 6.9 earthquake sa Cebu kagabi.

Ayon sa Acting Transportation Chief, nakikiisa ang buong ahensiya sa pagdadalamhati ng mga pamilya nina Seaman Second Class Lawrence Palomo, Apprentice Seaman Jujay Mahusay at Apprentice Seaman Ert Cart Dacunes bunga ng malungkot na sinapit ng kanilang mga mahal sa buhay.

“Our thoughts and prayers are with Seaman Second Class Palomo, Apprentice Seaman Mahusay at Apprentice Seaman Dacunes. The entire DOTr family commiserates with their families and the PCG family, losing 3 promising personnel of the Philippine Coast Guard. Kaisa niyo po kami sa mataimtim na panalangin,” ani Acting Secretary Lopez.

“Nagpapasalamat tayo sa kanilang tapat na pagseserbisyo sa bayan at sa kanilang tungkulin. Makakasiguro po sila ng patuloy na suporta at tulong,” dagdag ng Kalihim.