DPWH inatasan ni PBBM na solusyunan baha sa NLEX

Neil Louis Tayo Aug 8, 2023
226 Views

PINASOSOLUSYUNAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagbaha sa bahagi ng tulay sa North Luzon Expressway (NLEX) na nagdurugtong sa Pampanga at Bulacan.

Ayon kay DPWH Secretary Manuel Bonoan maghahanap ng pondo ang ahensya upang matugunan ang problema.

“Well, that’s the instruction that we got yesterday so we are now going to look for the funds actually to be able to gawin namin iyong pagtaas ng existing na tulay,” ani Bonoan.

Ayon kay Bonoan nais ng Pangulo na agad na matugunan ang problema.

“Medyo itataas po namin ay iyong existing tulay that crosses over the NLEX ‘no but itataas lang po namin iyong tulay and then NLEX will also raise their carriage wing nila,” paliwanag ni Bonoan.

Sinabi ni Bonoan na magsasagawa rin ng technical study kaugnay ng panukala na maglagay ng water impounding area sa Candaba swamp upang maiwasan ang pagbaha sa Pampanga at Bulacan.