Drilon

Drilon: Pagpapahinto ng SC sa  proklamasyon ni BBM imposible

250 Views

MINALIIT mismo ni Opposition Leader ang banta ng pagpapahinto sa napipintong pag-upa ni Presumptive President Ferdinand BongBong Marcos kahapon matapos liwanagin nito na hindi nakasaad sa Kontitusyon ang tinatawag na Pre Proclamation Protest.

Ayon kay Drilon, imposible umanong ipahinto ng Korte Suprema ang proklamasyon ng batang Marcos dahil ito ay tuwirang paglabag sa itinatadhana ng batas bukod pa umano sa punto na co-equal ng Kongreso ang Korte Suprema at hindi makatarungan na diktahan ng huli ang mandato ng Kongreso.

Iminungkahi rin ni Drilon na dalhin ang anuman reklamo laban kay Marcos sa Presidential Electoral Tribunal dahil eto umano may karapatan humawak sa mga ganitong isyu.

Hinalimbawa rin niya ang protestang ginawa ni Marcos laban kay Vice President Leni Robredo nuon sa gitna ng isyung malawakang dayaan sa pagka-pangalawang pangulo sa nagdaan 2016 eleksyon.

“There is remedy available. The issue can be tackled in the Presidential Electoral Tribunal. But it is not possible to stop the proclamation of the winner in the last May 2022 elections. Magdudulot lamang po ito ng Krisis sa buong bansa kung igigiit ito sapagkat lahat po ng sangay ng gobyerno ay maapektuhan kayat imposible po ana pahintulutan ang ganitong adhikain.” ani Drilon.