Calendar
Driver ng bus na nakaalitan ng E-Jeep sa viral video, dapat patawan ng mabigat na parusa –Valeriano
๐๐๐๐๐ก๐ ๐๐ต๐ฎ๐ถ๐ฟ๐บ๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ผ๐๐๐ฒ ๐๐ผ๐บ๐บ๐ถ๐๐๐ฒ๐ฒ ๐ผ๐ป ๐ ๐ฒ๐๐ฟ๐ผ ๐ ๐ฎ๐ป๐ถ๐น๐ฎ ๐๐ฒ๐๐ฒ๐น๐ผ๐ฝ๐บ๐ฒ๐ป๐,n๐ฎ๐ป๐ถ๐ป๐ถ๐๐ฎ๐น๐ฎ ๐๐ถ ๐ ๐ฎ๐ป๐ถ๐น๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ถ๐๐. ๐๐ผ๐ป๐ด. ๐ฅ๐ผ๐น๐ฎ๐ป๐ฑ๐ผ “๐๐ฅ๐ฉ” ๐ . ๐ฉ๐ฎ๐น๐ฒ๐ฟ๐ถ๐ฎ๐ป๐ผ ๐ป๐ฎ ๐ฑ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ด๐๐๐ถ๐ป ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ฏ๐ถ๐ด๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐๐๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐๐ ๐ฑ๐ฟ๐ถ๐๐ฒ๐ฟ ๐ป๐ฎ ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ต๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ “๐ป๐ฎ๐ป๐ด-๐๐ฟ๐ผ๐” ๐ผ ๐ป๐ฎ๐ด-๐ถ๐ป๐๐๐ถ๐ด๐ฎ ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ฝ๐๐ฎ ๐ฑ๐ฟ๐ถ๐๐ฒ๐ฟ ๐ป๐ถ๐๐ผ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐บ๐๐น๐ถ ๐ป๐ฎ ๐ป๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป ๐๐๐บ๐ถ๐ธ๐น๐ฎ๐ฏ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ถ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐ถ๐ป๐๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ป๐๐ฒ ๐ป๐ด ๐ฟ๐ผ๐ฎ๐ฑ ๐ฟ๐ฎ๐ด๐ฒ.
Ang ibinigay na pahayag o reaksiyon ni Valeriano ay kaugnay sa panibagong insidente ng road rage na nag-viral kamakailan na kinasasangkutan ng driver ng pampasaherong bus at e-jeep na naganap sa Espaรฑa Boulevard sa Maynila.
Sa nasabing insidente, makikita sa viral video na naghahanda nang umalis ang dalawang sasakyan nang lumihis ang driver ng bus patungo sa lane ng e-jeepney na mistulang nais naman harangin nang bus ang dadaanan ng e-jeep.
Binigyang diin ni Valeriano na dahil sa asal o naging “road behavior” ng driver ng bus laban sa kapwa nito driver nararapat lamang aniya na turuan ng leksiyon ang nasabing driver sa pamamagitan ng mabigat na sanction na dapat ipataw sa kaniya ng Land Transportation Office (LTO).
Paliwanag ng kongresista, ang mga abusado at barumbadong driver na gaya ng ipinamalas ng bus driver ay wala umanong karapatang magmaneho at kasunod nito ang pagkumpiska sa kaniyang lisensiya at huwag ng pahayagan pang magmaneho ng anomang sasakyan.
“The bus driver who instigated the insident should be punished more severly. LTO should confiscate his license and never allow him to drive again,” paliwanag nito.
Ayon pa kay Valeriano, maaaring nakapasa ang driver ng bus sa licensure test subalit bagsak naman ito sa tinatawag na “road courtesy” bunsod ng naging asal nito.
Muling binigyang diin ng mambabatas na upang mahinto ang paulit-ulit na insidente ng road rage. Kinakailangang ipakita mismo ng LTO sa general public kung ano ang kasasapitan ng mga abusado at barumbadong driver na nasasangkot sa mga insidente ng road rage.
“LTO must show the public what happens to these kind of violators. It must intensify information dissemination on road discipline and punishment for violators,” dagdag pa ni Valeriano.
To God be the Glory