Calendar
Driver ng fuel nagsidelina sa pagsalin ng diesel sa gasolinahan, pinosasan

TANAUAN CITY, Batangas–Kalaboso noong Miyerkules ang drayber ng fuel tanker na nahuling isinasalin ang 16,000 litrong diesel sa isang gasolinahan sa Brgy. Santor.
Ayon sa ulat kay CIDG director PMGen. Robert Morico II, galing sa Sariaya, Quezon ang tangke at dapat sana ay didiretso sa Tarlac para ihatid sa opisyal na kustomer.
Idiniretso ito sa naturang gasolinahan para “ibawas” o i-sideline ang karga.
Nasamsam sa operasyon ang fuel tanker at mga produktong petrolyo na nagkakahalaga ng P3,500,000.
Mahaharap ang suspek sa paglabag sa Batasang Pambansa Blg. 33 na binago ng Presidential Decree 1865 (Illegal Trading of Petroleum Products).
Mahigpit na ipinagbabawal sa batas ang pag-unload ng petrolyo sa mga hindi awtorisadong lugar o sa mga taong hindi kabilang sa kontrata.
Pinuri ni Morico sina PCol. Ganaban Ali at PLt. Col. Bryan Dexter Andulan sa ginawang aksyon.

