Mabini

Driver ng truck kalaboso sa delivery ng P.3M illegal petrolyo

170 Views

Mabini1Mabini2

MABINI, Batangas–Tiklo noong Biyernes ang lalaki habang minamaneho ang trak na may lulang 1,000 litro ng smuggled na diesel fuel na may halagang P399,350 sa Brgy. San Juan sa bayang ito.

Kinilala ang suspek sa alyas Brian at kumpiskado rin ang Isuzu Elf truck (DXZ 680) na minamaneho niya.

Sa ulat ng Mabini police, bandang alas-3:15 ng madaling araw nang masabat ang suspek sa national road.

Bunsod ng operasyon kontra-petrolyo ng Philippine National Police (PNP) ang pagkakahuli sa suspek sa lalawigan.

Katuwang sa pag-huli sa suspek ang Provincial Intelligence Unit (PIU) ng Batangas PPO sa pamumuno ni PCpt. Adriel John Francisco at ng Regional Special Operations Unit 4A.

Nahuli siya ng parahin ng mga awtoridad at bigong maipakita ang anumang delivery receipt, transport manifest o valid permit mula sa Department of Energy (DOE) para sa pagdadala ng petrolyo.

Tumambad sa mga pulis ang isang puno at isang bakanteng intermediate bulk container (IBC) tote at ang chemical hose na ginagamit sa ilegal na transaksyon.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Batas Pambansa Blg. 33.