MJ

Drug suspek laglag sa P5.2 drive na marijuana

Jon-jon Reyes Jan 27, 2025
77 Views
Aberin
Pinuri ni National Capital Region Police Office chief P/BGen. Anthony Aberin (kaliwa) ang mga pulis kaugnay sa mapayapang operasyon laban sa ilegal na droga sa Metro Manila. Kuha ni JonJon Reyes

AABOT sa mahigit P5.2 million ang halaga ng 44 kilos na pinatuyong dahon ng marijuana ang nakumpiska sa lalaking naaresto sa buy-bust ng mga operatiba ng Manila Police District sa Sampaloc, Manila noong Sabado.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Brillante Billaoac, hepe ng MPD Sampaloc Police Station 4, bandang alas-12:20 ng hatinggabi natimbog ang suspek na si Jomar Gesmundo alyas Jay.

Nakumpiska mula sa suspek ang 44 piraso ng bloke ng hinihinalang marijuana na nakabalot sa plastic na may timbang na 4.4 kilos at tinatayang nasa P5.28 milyon.

Nahuli ang suspek nang kumagat sa pain ng poseur-buyer na pulis.

Pinuri ni National Capital Region Police Office chief P/BGen. Anthony Aberin ang mga pulis sa tagumpay na operasyon at pagsamsam ng mga ilegal na droga.

“Ang tagumpay na ito patunay ng ating patuloy na pagsisikap na labanan ang paglaganap ng ilegal na droga sa ating lungsod,” sabi ng heneral.