Posas

Drug suspek laglag sa QC buy-bust, P.4M shabu nakumpiska

71 Views

AABOT sa P414,800 halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) mula sa isang suspek sa buy-bust na isinagawa sa Bgy. Teachers Village East, Miyerkules ng madaling araw, ayon kay acting District Director, PCol. Melecio M Buslig, Jr.

Kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) PMAJ Wennie Ann Cale ang suspek na si Norwell Caballeda Custodio, 36, residente ng Tondo, Manila.

Naaresto ang suspek dakong 3:20 a.m. sa harap ng Magiting Park, Magiling St., Brgy. Teachers Village East, Quezon City.

Sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency- NCR (PDEA-NCR), ikinasa ang buy-bust operation matapos makatanggap ang mga operatiba ng report mula sa isang confidential informant na nagsiwalat ng iligal na aktibidad ng suspek. Isang undercover operative ang nagpanggap na posuer buyer at bumili ng P1,000 halaga ng shabu na nagresulta ng agad na pagkaaresto ng nasabing suspek.

Nasamsam mula sa suspek ang 61 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P414,800.00, cellphone, pouch, at ang buy-bust money.

Ang suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.