Rex Gatchalian

DSWD handa sa pagsaklolo sa mga masasalanta ng bagyong Dodong

133 Views

NAKAHANDA na ang mga regional offices ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang tulungan ang mga masasalanta ng bagyong Dodong.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian inatasan na nito ang mga regional officer na maging “extra ready” sa pagtulong sa mga pamilyang masasalanta ng ikaapat na bagyo sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong taon.

“All DSWD regional offices should immediately activate their respective Disaster Response and Management Division-Quick Reaction Teams (DRMD-QRT) and closely coordinate with their local Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRMCs),” ani Gatchalian.

Ayon kay Gatchalian inatasan nito ang Disaster Response and Management Group (DRMG) na pinamumunuan ni Undersecretary Dianne Cajipe na tiyakin na ang mga family food packs (FFPs) at iba pang relief assistance ay mabilis na maipamimigay sa mga masasalanta.

Itinaas na ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration ang signal number 1 sa ilang probinsya sa bansa bilang paghahanda sa bagyo.