Punay

DSWD pinaplantsa food stamp program

140 Views
PINAPLANTSA ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang food stamp program na itinutulak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang mas matulungan ang mga nangangailangan.

Ayon kay DSWD Undersecretary Edu Punay mayroong adjustment na ginagawa sa food program upang mabawasan na iasa na lamang sa gobyerno ang lahat.

“Isang very novel aspect that we’re introducing, or component, is iyong conditionality. Ang gusto natin (mabawasan) iyong dependency ng ating mga beneficiary sa government assistance na nakikita natin, for example sa 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program), (dahil) talagang masyadong dependent na,” ani Punay.

“Admittedly, ang ating mga ilang beneficiaries diyan, ayaw nang umalis sa 4Ps kahit na due for graduation na sila. Ito iyong gusto nating iwasan sa mga bagong programs nating gagawin. That’s why we have the conditionalities now for the food stamp program,” dagdag pa ng opisyal.

Kasama umano sa pinag-aaralan ng DSWD ang paglalagay ng kondisyon na ang mga tutulungan ay dapat kasama rin sa labor-capacity building.

“We want them to enroll in training programs of DOLE (Department of Labor and Employment) and TESDA (Technical Education and Skills Development Authority) so that we can capacitate them to stand on their own,” sabi pa ni Punay.

“While we’re helping them with their food requirements, siguro iyong maitutulong natin na pagkain sa kanila, pambili ng pagkain – gamitin na lang po nilang pamasahe papunta sa TESDA, papunta sa DOLE, paghahanap ng trabaho – iyon po ang target nitong programa na ito so that when they graduate after three or four years mayroon na silang trabaho. They can sustain their livelihood. They can sustain their food requirements. So, iyon po ang ilan sa mga conditionalities po natin sa programang ito,” dagdag pa nito.

Pinag-aaralan din umano ang exit mechanism ng food stamp program upang matulungan din ang ibang pamilyang nangangailangan subalit hindi kaagad nakasali sa programa.

“Of course, walang forever po ‘di ba kasi ayaw nating nale-left sa forever sa ayuda. Limited resources po ang gobyerno kaya kailangan, we maximize, we make use of our resources to help our poor get out of that poverty line. Kaya po ang target nating exit program dito is they graduate after three to four years once they get out of the poverty line,” paliwanag ng opisyal.

Magsasagawa ng pilot testing ng programa ang DSWD sa mga darating na buwan.