Calendar
Nation
Gobyerno nakakolekta ng P1.26T sa unang 4 buwan ng 2023
Ryan Ponce Pacpaco
Jun 5, 2023
112
Views
NAKAKOLEKTA ang mga ahensya ng gobyerno ng P1.26 trilyon sa unang apat na buwan ng 2023.
Ayon sa Department of Finance (DOF) mas mataas ito ng P127.1 bilyon o 11.22 porsyento kumpara sa nakolekta sa kaparehong panahon noong 2022.
“Our robust fiscal performance reflects the efforts of the Bureau of Internal Revenue and the Bureau of Customs in enhancing tax administration and enforcing tax compliance,” sabi ni Finance Secretary Benjamin E. Diokno.
Sa operations report ng Bureau of Treasury (BTr) sinabi nito na noong Abril 2023 ay nakakolekta ang gobyerno ng P440.7 bilyon mas mataas ng P92.7 bilyon sa nakolekta noong nakaraang taon.
Sa kabuuan, ang nakolekta na sa unang taon ng 2023 ay P1.1 trilyon buwis at P136 bilyong non-tax revenue.
PNP NAARESTO NA SI QUIBOLOY!
Sep 8, 2024
NANCY TULOY NA SA MAKATI
Sep 8, 2024
Chiz: Mas mataas ang warrant ng korte
Sep 8, 2024