Rep. Acidre

Tingog solon: Subsidy, voucher sa paaralan ibigay na

Mar Rodriguez May 17, 2026
24 Views

HINIHILING ni Tingog Party List Rep. Jude Acidre sa pamahalaan ang pagpapalabas ng mga nakabinbing subsidy at voucher assistance para sa mga pribadong paaralan.

Kailangang maipalabas na agad ang mga natitirang subsidiya ng pamahalaan at tulong sa voucher program na nakalaan para sa mga private schools para sa school year 2025-2026.

Nagbabala ang kongresista na ang mga pagkaantala ay maaaring magdulot ng karagdagang pasanin sa mga paaralang gipit sa pananalapi na kasalukuyan ng lumalaban sa tumataas na gastusin sa kanilang pang-araw araw na operasyon.

Nagpahayag ng suporta si Acidre, Chairman ng House Committee on Higher and Technical Education, sa panawagang ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) at ng CBCP Episcopal Commission on Catholic Education.

“Ito ay isang education emergency para sa maraming pribadong paaralan partikular na sa mga maliliit at may misyong maglingkod at mga gipit sa pondo na kumakalinga sa mga pamilyang may mababang kita at pamayanang salat sa serbisyo,” sabi ni Acidre.